ATAWA lang si Isabel Oli sa tsikang hinipuan ni Katrina Halili si Paolo Contis.

Aniya, walang ganu'ng pangyayari at nagkausap na sila ni Katrina.

Ultimo si Katrina ay nagulat sa tsismis na hinipo niya ang harapan ng aktor na boyfriend ni Isabel sa taping ng Atlantika.

Pagdidiin ni Isabel: “Walang nangyaring ganu'n. In-explain na rin sa akin ni Katrina, and we're friends.”

Malaki raw ang tiwala ng aktres sa BF at may usapan sila na walang lukuhan.

If ever na totoo ang isyu, sinabi ni Isabel na hindi si Katrina ang aawayin at susugurin niya kundi si Paolo.

“Baka masabunutan ko siya,” pabiro pero seryosong pahayag ni Isabel.

* * *

Nasasangkot na naman sa kontrobersiya ang ina ni Angelica Jones na si Mommy Beth dahil umano sa mga talbog nitong tseke na inisyu sa isang nagngangalang Vincent.

Nakausap namin si Mommy Beth at itinanggi niyang tseke niya ang mga tumalbog. Aniya, isang check lamang doon ang kanya, na nagkakahalaga ng 17,500. Pero hindi niya ito tatakbuhan at babayaran din.

Ayaw nang sagutin pa ni Mommy Beth in print ang mga akusasyon dahil hahaba lang daw. Ang gusto lang niyang iklaro'y wala siyang kamalasaduhang ginagawa at nagtatrabaho siya nang maayos.

Nasaktan siya nang husto sa akusasyong bugaw siya, dahil never sa tanang buhay niya na nag-resort siya sa ganitong trabaho.

“Kahit hindi kamin kumain, hindi ko magagawang magbugaw. Kaya nga nagtitinda-tinda ako dahil mas gusto ko ang magtrabaho nang marangal kahit barya-barya lang ang kita,” aniya.

Itinanggi rin ni Mommy Beth na hindi siya nakababayad ng upa ng apartment dahil may mga papeles daw siyang magpapatunay na bayad siya.

As we write, nagbabalak magdemanda ng libel si Mommy Beth sa kasamahang Ogie Diaz, pero mas maganda kung pag-uusapan na lang nila ito at huwag nang dalhin pa sa korte.

* * *

NAALIW kami dahil sa harap namin ay naglinawan sina Mark Herras at Direk Quark Henares ng isyu tungkol sa sapakan.

Say ni Mark, ang nakarating sa kanyang balita ay sasapakin siya ni Direk Quark.

“Ako, mananapak?” say ni Direk Quark. “Ang labo naman nu'n.”

Dagdag pa ni Direk Quark, ang nakarating naman sa kanya ay sasapakin siya ni Mark, kaya sabi ng young actor sa direktor, hindi niya ito magagawa.

Sa nakita naming biruan ng dalawa, mukhang okay naman sila at say pa ni Direk Quark, si Mark ang favorite actor niya.

Anyway, pinaghahandaan na ni Mark ang dance-concert na tentatively ay gaganapin sa December 1 and 2.

Nanghihinayang lang siya na baka hindi maka-guest si Jennylyn Mercado dahil nang i-check niya ang schedule nito, may commitment ang ka-loveteam sa Laguna.

Pagkatapos ng concert, magiging busy na siya sa promo ng Super Noypi, filmfest entry ng MaQ Films sa December.

* * *

Hindi pa namin nakakausap si Toni Gonzaga hinggil sa pagkakasangkot niya sa Jeremy Marquez-Alessandra de Rossi split-up, pero ayon sa isang malapit sa kanya, wala raw katotohanang ang female Tv host ang third party sa relasyon ng dalawa.

Ang totoo raw, niligawan talaga ni Jeremy si Toni, pero matagal na 'yun, tila nagsisimula pa lang mag-artista noon ang aktor.

“Hindi nga siya pinapansin ni Toni noon, ngayon pa kaya siya pansinin?” say ng kausap namin.

Totoo ring madalas mag-e-mail si Jeremy kay Toni, hindi naman sinasagot ng dalaga.

Pero dahil magiging super-bastos si Toni kung laging hindi sasagutin si Jeremy, kaya minsan, nagri-reply siya, pero walang ligawang nangyayari.

Gusto lang linawin ni Toni na hindi siya dapat pagselosan ni Alex dahil walang namamagitan sa kanila ni Jeremy.

Ayon pa sa malapit kay Toni, kung ang mga guwapo at sikat na ngang sina Luis Manzano, Piolo Pascual at Sam Milby hindi nakapasa, si Jeremy pa kaya?

Taray!

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com