| 
aging panahon nga yata ng aminan ang Undas lalo na kina John Pratts at Mark Herras, dalawa sa mga bidang bituin sa Super Noypi.
At nakakalokang parehong two months na silang maligaya. Si John Prats ay two months nang nakikipag-bonding kay Miyaka Lim, ang magandang dilag ng mga kaibi-gang Frankie at Olen Lim mula sa mundo ng PBA, kung saan nagsisilbing team manager ng Talk & Text ang dating mahusay na manlalaro.
Intimidated man siya nung una dahil ang tangkad-tangkad nga naman ng tatay ng kanyang bagong karelasyon, ay sobrang nagagalak si John sa klase ng closeness ng pamilya nina Miyaka.
“Full force parati lalo na kapag nanonood sila ng basketball,” ang tsika ni John na gaya ni Miyaka ay super close din sa kanyang pamilya.
Ang pagiging sweet, maalalahanin, maasikaso at sobrang lapit sa pamilya ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit nabihag ni Miyaka ang puso ni John na ang huling seryosong relasyon pala ay noong sila pa ni Heart Evangelista.
* * *
TWO months namang ini-enjoy ni Mark Herras ang panliligaw kay Nicole Anderson (ang magandang anak ni Jean Saburit) at ayon sa binata, ngayon lang uli siya nanligaw ng seryoso.
Sa gitna nga ng kanyang hectic schedules ay nais bigyan ni Mark ng pagkakataon ang sarili na namnamin ang sarap ng panliligaw lalo na sa isang gaya ni Nicole na para sa kanya ay nagtataglay ng mga katangiang hinahanap niya sa isang babae — maganda, simple, maunawain at maka-pamilya.
O di ba at halos pare-pareho ang deskripsyon nina John at Mark ng mga katangiang hinahanap nila at sinasabing natagpuan na nila sa kanilang mga kasalukuyang buhay pag-ibig? Ang ipinagkaiba nga lang ay maligayang-maligaya na sina John at Miyaka bilang magkasintahan, habang si Mark ay hindi pa nakakatiyak kung sasagutin ni Nicole.
Basta ang tsika ni Mark sa amin ay tiyak na sisipot sa kanyang birthday concert sa Dec. 2 (second week ang bday niya) si Nicole kung saan baka magkaroon pa ito ng special participation sa kanyang dance concert.
Inimbita niya ang mga kaibigang gaya nina John, Jennylyn, Sandara at iba pang mga kasama niya sa Super Noypi na maging guests din sa nasabing birthday dance concert sa magaganap sa Metro Bar.
* * *
FOR 12 consecutive years, muling tinanghal na Best Variety Show ang Eat Bulaga sa katatapos na Star Awards for TV, at tinalbugan nito ang ibang programs tulad ng Wowowee (ABS-CBN 2) at ang mga naglaho nang show sa IBC 13, Chowtime Na, Gets Mo, Gets Ko at SMS.
Sa mga ganitong pagkakataon, bukod sa mga host na nagdadala ng show, nararapat lang na i-congratulate din natin ang magagaling na writer ng EB like Orbit, Jenny et al., na hindi nauubusan ng idea upang mapaganda ang araw-araw na presentasyon ng show. Likewise, sa iba pang importanteng tao ng TAPE, Inc.: Grace Esquillon, ang best friend naming si Direk Maria Elena Rivera, Direk Bert de Leon, Malou Choa-Fagar and Tony Tuviera.
May paliwanag ang isa sa mga aktibong miyembro ng Philippine Movie Press Club kung bakit unanimous ang PMPC voting members sa pagpili sa EB as this year's Best Variety Show.
“Obvious naman, 'di ba? Halatang pinag-iisipan nila ang bawat segment, at alam mong orig ang mga idea nila. Masaya at hindi nakasasawang tutukan araw-araw,” sabi ng aming kausap.
“Heto pa ang isang plus factor ng EB: Mayroon silang isang Malou Choa-Fagar, na sobrang PR sa mga reporter, 'di lang sa mga taga-PMPC kundi sa lahat. Walang ganyan ang ibang katapat na show ng EB.”
Anyway, patuloy ang EB sa pamumudmod ng datung sa pamamagitan ng game portions nila. Marami nang winner ng P100,000 jackpot prize ng masayang On The Spot, Jackpot. Parang wala lang kung mamigay sila ng pera sa mga kalahok.
- -
|