INDI lang pala boyfriend, kundi leading man din, ang wanted for Sarah Geronimo.

Aba , 18 years old na ang bituing ito. Pero sa totoo lang, wala pa kaming nababalitaang umaali-aligid sa kanya, mapa-artista man o hindi.

'Di kaya, nai-intimidate kay Sarah ang mga would-be manliligaw niya?

Kung sabagay, she has achieved so much for her age.

Tungkol sa leading man, wala yatang makita ang Viva Films, at maging ang Star Cinema, ng pupuwedeng maging leading man ng singer-actress among today's crop of young male stars.

They either look too old or too young for Sarah.

Come to think of it, ba't 'di subukan ang tambalang Sarah at recently-expelled Pinoy Dream Academy (PDA) scholar Kristoff Abrenica (from Canada )?

Mukhang may appeal itong si Kristoff sa local fans, considering na kaya natagalan bago siya na-expel, dahil palagi siyang nasi-save ng text votes ng PDA followers.

Tiyak ding magkakaroon ng maraming following ang TFC (The Filipino Channel) sa Canada, 'pag nagkataon.

* * *

Laking lola si Mariel Rodriguez. Sa grandparents kasi tumira si Mariel at ang nakatatandang kapatid (na babae rin. There are just two of them, aniya) nang maghiwalay ang kanilang parents, na pareho nang may ibang pamilya.

Naging closer si Mariel sa lolo at lola nang maagang mag-asawa ang kapatid niya.

Did you know that it was her sister, isa ring commercial model, who was first offered na maging artista?

But she begged off dahil bukod sa may-asawa na, nagdadalantao pa siya.

Guess kung ano ang naging offer sa kapatid ni Mariel? Ang maging leading lady ni Aga Muhlach sa OK Fine Whatever. Pero kailangan muna niyang dumaan sa audition.

As everybody knows, Mariel won the audition hands down, instead. She considers her stint in the sitcom as one of her most memorable, dahil talagang nahasa siya sa comedy.

Besides, sabi nga niya, hindi lahat ng aktres ay makapagmamalaking naging leading lady ni Aga Muhlach.

Mariel is undoubtedly one of the busiest sa mga artista ngayon. Everyday ay co-host siya ng isang game show sa ABS-CBN, bukod pa sa may ginagawang movie, X 44, opposite Vhong Navarro.

“Pero ang nami-miss ko talaga, 'yong paghu-host ng Pinoy Big Brother (PBB) Uplate. Nu'ng magsimula ang PBB, busy pa ako with Ok Fine …, so talagang work to death ako.

“Sometimes, tatlong oras lang ang tulog ko. But I never complained. Ang grandparents ko ang alalang- alala sa akin. I had to assure them that I liked what I was doing,” pahayag niya.

* * *

Does Mariel still have time for her lovelife?

“Oo naman,” somebody whispered to us. “Although, of course, hindi niya ito aaminin. She and Zanjoe (Marudo) are playing beautiful music together. Agree ka siguro 'pag sinabi kong bagay naman sila.”

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit miss na miss ni Mariel ang PBB? 'Di ba't Zanjoe is a product of the PBB Celebrity Edition?

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com