UWEDE na sigurong mag-bold si John Lloyd Cruz dahil palagi siyang nakahubad sa Maging Sino Ka Man tuwing malalasing.

Wala siya talagang pakialam kahit anong anggulo ang kinukunan sa kanya. Sabagay, maganda naman ang katawan ng young actor, kaya puwede rin siyang isabak sa ganitong uri ng pelikula.

Ang maganda, okey lang kay Bea Alonzo ang nakahubad si John LLoyd, dahil hindi na sila nagkakahiyaan katulad ng ibang kapareha.

In fairness, gumaganda ang bagong teleserye ng ABS-CBN na madalas mapagkamalang reissue. Nasa cast sina Christopher de Leon, Keanna Reeves at Ramon Zamora, kaya imposibleng maging reissue.

Bakit pumapayag maging suporta na lang si Keanna, ganu'ng nagbida na sa Binibining K?

“Paano ko naman tatanggihan, e, naririyan si Boyet de Leon na paborito ko?” say ni Keanna.

Saka sa panahong ito na kokonti ang gumagawa ng magagandang soap opera, makatatanggi ka pa ba?

Mabuti nga't may gumagawa pa ng mahusay na TV drama; kadalasan, pipitsuging show ang napapanood sa boob tube, corny jokes and corny stories din.

* * *

NAGULAT at hindi makapaniwala ang StarStruck 3 Avengers na sina Vivo Ouano, Bugs Daigo, Ken Punzalan, Johan Santos at Chuck Allie nang sigawan at ipagtabuyan sila ng isang lady guard ng GMA 7 sa audition ng StarStruck: The Next Level last Friday.

Ikinuwento ng isang source na marami ang nakarinig nang galit na maglitanya ang babaing sikyu: “Ano'ng ginagawa ninyo riyan, umalis na kayo! Mag-u-audition ba kayo? May number na ba kayo? Kung wala pa, du'n kayo sa labas kumuha at du'n pumila .. Labas!“ Nagmistulang pobre ang mga Avenger na hiyang-hiya sa sinapit sa kamay ng lady guard na mataray. Mabuti na lang at may StarStruck staffer na nandoon at sinabihan ang sikyu na Avengers ang mga 'yun.

Ang siste: Instead of saying “Sorry,” ang guard ay nagtaray pa't nagbitaw ng maaanghang na salitang “Naku, paano ko ba naman sila makikilala, e, wala kasi silang show, 'no?”

Paging the GMA 7 management. Dapat siguro na bigyan ng leksyon 'yung lady guard. Sa halip na humingi ng tawad dahil sa kanyang masamang asal, pinalabas pang kasalanan ng Avengers na wala silang show kaya 'di kilala.

Idinagdag ng source na sadyang mataras ang dila nu'ng babaing sikyu, because ultimong mga humihingi ng tulong at lumalapit sa Kapuso Foundation at Imbestigador ay nakatitikim din ng pagtataray niya.

* * *

FINALLY, nakapagdesisyon si Roderick Paulate na mag-ober-da-bakod sa GMA 7 from ABS-CBN.

Napakalaki at magastos ang serye ng Siyete na uumpisahan ni Roderick, na sinamahan ng big stars.

Sabi ni Dick, wala siyang masasabing masama sa pinanggalingang network. Inalagaan at binigyan din siya ng importansiya ng mga big boss ng Kapamilya Network.

Ipinakikiusap niyang huwag nang bigyan ng ibang kulay ang kanyang paglabas sa Kapuso Network.

Masaya siya sa project na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA at sana raw ay mabigyan niya ng justice ang role na gagampanan sa Makita Ka Sana Muli.

Paiiyakin at patatawanin uli ni Dick ang televiewers sa bago niyang soap. Subok na ang kanyang galing pagdating sa comedy at drama.

* * *

PAREHONG endorser ngayon ng mga beauty product sina Melanie Marquez at Pauleen Luna, particularly ang Placenta Herbal Beauty Soap. Halos parehong brand ang ibinibenta nilang sabon, kaya 'di nila sukat akalain na darating ang araw na magkaroon sila ng kumpetisyon and • worse • pagsabungin at pagkumparahin ang taglay nilang kagandahan.

Nagkataon kasi na ang dating magkakasosyo sa negosyo ay magkahiwalay na. Mula sa iisang kumpanyang Goldware Essential Products Corporation, ngayon ay mayroon nang Psalmstre Enterprises. Parehong Placenta soap ang kani-kanilang main product. Si Melanie pa rin ang endorser ng tumiwalag na grupo, ang Psalmstre, kaya kumuha ng bagong endorser ang Goldware • ang mas bata at mas magandang si Pauleen.

May gusot currently ang dalawang competitor at nauwi na sa demandahan. Inaakusahan ng unang grupo ng diumano'y pamimeke or violation of Section 168 in relation to Section 170 of Republic Act No. 8293 (unfair competition) ang ikalawang grupo, Psalmstre.

Ewan kung alam na ni Melanie, pero damay siya sa demandahan, since may ilang pagkakataon sa promotional tour ng kinabibilangang kumpanya ay binabanggit niya allegedly na ang kanilang produkto ang “orig” at peke raw ang kabila.

Anyway, abangan natin ang kahahantungan ng gusot na ito tungkol sa mga cosmetic product.

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com