agkatapos mag-aral sa ibang bansa, nagbabalik si Janet McBride bilang isa sa mga pangunahing tauhan sa bagong soap operang Makita Ka Lang Muli, na magsisimula ngayong Lunes sa GMA-7.

Matatandaang isa si Janet sa pinakamaganda at pinaka-promising na batang aktres noong pumasok siya sa showbiz.

Umani siya ng parangal sa una pa lang niyang pelikulang Tanging Yaman at kinilala rin bilang mahusay na co-host ni Ryan Agoncillo sa Talk TV.

Sa kanyang pagbabalik showbiz, makakasama ni Janet ang mga batikan at iginagalang na mga artistang sina Roderick Paulate at Celia Rodriguez.

Kasama rin niya sa panghapong soap opera na produced ng TAPE, Inc. sina Carlo Aquino, LJ Moreno, Oyo Sotto, Sugar Mercado, JC de Vera, Ana Roces, Cris Villanueva at Andrea del Rosario.

Sa ngayon, handa na si Janet na harapin muli ang hamon ng show business, na pansamantala niyang tinalikuran.

Aniya, “Ang gusto ko lang po ay matuto at makilala bilang isang magaling na aktres.”

Kung lovelife naman niya ang kukumustahin, nagkikita pa rin daw sila ng kontrobersyal na si Mo Twister — ngunit mas gusto ni Janet na huwag na munang pag-usapan si DJ Mo.

Mas gusto niyang ang kanyang kakayahan bilang artista ang pagtuunan ng pansin sa kanyang pagbabalik at 'di ang minsan ding naging kontrobersyal na lovelife.

Sapat nang malaman natin sa si DJ Mo ang itinuturing niyang bestfriend — ngunit pinabulaanan ni Janet na sila'y nagpakasal, siya'y nagdalantao at nanganak noong nasa ibang bansa.

“Ang bago ko pong baby ay ang aking soap opera na Makita Ka Lang Muli at nagpapasalamat po ako sa TAPE, Inc. para sa kanilang mainit na pagtanggap sa akin.

“ Sana magtuluy-tuloy po ang trabaho at nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga nagtitiwala at sumusuporta sa akin hanggang ngayon. Makaaasa po kayong pagbubutihin ko ang aking trabaho ngayong ako'y nagbabalik-showbiz,” pagtatapos ni Janet.

* * *

Darating sa bansa si Dayanara Torres para dumalo at ipakilalang endorser ng Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute na nasa Makati City.

Sa November 9 ang kanyang dating at Nov. 12 ang balik. Sa three days niya rito, tiyak na magi-guest ito sa different TV shows para i-promote ang ini-endorse.

Sa pagharap niya sa press, tiyak na matatanong si Dayanara sa nangyari sa relasyon nila ni Marc Anthony, na kasal na ngayon kay Jennifer Lopez.

Ngayon lang uli babalik ng bansa si Dayanara at matagal din siyang 'di nakita ng kanyang mga kaibigan.

President at CEO ng Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery si David Bunevacz at marketing director ang asawa nitong si Jessica Rodriguez-Bunevacz.

With Dayanara as endorser and image model, tiyak na titriple ang magpa-patronize rito.

* * *

Dalawa sa female young stars na kasama sa cast ng bagong youth-oriented TV show ng ABS-CBN na magpa-pilot sa November 25 ay sina Valeen Montenegro, 16 years old apo ng actor na si Mario Montenegro, at ang 14-year-old na si Empress Schuck.

Dream role ni Valeen ang pag-agawan ng guys at matutupad ito sa show dahil tatlo ang suitors niya: Sina Aaron Agassi, Aldred Gatchalian at Mikee Lee.

In real life, sina Victor Basa (the body daw), Enchong Dee (the newcomer) at si Mikee (the smart one) ang type niya.

Graduating sa high school sa Sacred Heart School sa Parañaque si Valeen at gustong mag-enroll ng Fashion Designing sa college. Kung may regret ito'y ang 'di naabutan ang kanyang lolo.

She was born in 1990 at namatay ang lolo niya noong 1989.

Big for her age si Empress, na ila-love team kay Dino Imperial, pero ang crush ay sina Angelo Patrimonio at si Enchong. Puwede siyang sumali sa beauty contest with her looks and height, pero mas type ang showbiz at mas gustong sundan sina Gina Alajar at Albert Martinez.

Muli pala siyang hinihiram ng GMA-7 para isama sa Atlantika, pero nasa Super Inggo na siya nang dumating ang offer ng Siyete.

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com