AY observers na nagsabi sa amin, kung ang pagbabatayan daw ay ang resulta ng isang  afternoon drama na ginawa nila bilang magka-loveteam, baka nga hindi masabing makatutulong sa ratings ng Bakekang si-na Lovi at Cogie Domingo. Hindi kasi kinagat ang love-team nilang dalawa.

Bakit nga kaya?

Well, sa palagay namin, parang nabantilawan ang career niyang si Cogie. No-ong una ay napakalakas talaga ng kanyang dating. Katunayan, umangat nga raw agad ang sales ng isang garment line na siya ang endorser noon. Pero, dahil sa kung anu-anong naging problema sa kanyang career, lumamig ang kanyang popularidad.

Kung kami nga ang ta-tanungin, mas maganda si-guro kung iyang si Cogie ay maisasama muna sa isang female star na may sapat na popularidad at sikat ta-laga para siya mahatak ulit paitaas.

Eh, kaso ini-love team naman siya riyan kay Lovi na nagsisimula pa lang at mukhang mahina rin ang dating sa fans.

May itsura naman itong si Lovi, walang duda iyan. Pero, ‘yung controversy na napasukan niya dahil sa kanyang ama, mukhang hindi maganda ang epekto sa kanyang career.

Nagkaroon siya ng ma-raming kaaway. Maski ‘yung ilang kaibigan ng ta-tay niya ay naniniwalang nakaaapekto sa image nito noon ang biglang pagsulpot ni Lovi.

Sa palagay namin, mas okey pa siguro kung hindi na lang niya pinasok ang showbusiness, eh.

Noong una, maraming umaasa na kakagatin ng publiko ang loveteam nina Lovi at Cogie, pero hindi nga ganu'n ang nangyari. Medyo matamlay rin ang resulta ng kanilang natapos na afternoon drama at hindi rin nag-klik sa tao ang kanilang tambalan.

* * *

Halata mong talagang ipinagmamalaki ni Martin Nie-vera ang panganay nilang anak ng kanyang girlfriend na si Katrina Ojeda. Isipin ninyo, may picture agad si Martin kasama ng kanilang anak.

Hindi namin nakita ang ganyang excitement kay Martin noong mga naunang pagkakataon na nagkaroon siya ng anak. Noon nga ay tahimik lang sila sa panga-nganak ng kanyang dating asawang si Pops Fernandez.

Pero ngayon, tingnan ninyo, nagawa pa niyang magpakuha agad ng picture at naipadala pa iyon sa isang local TV station dito sa ating bansa.

Siguro nga, masasabing nasasabik din si Martin dahil malalaki na ang kanyang mga naunang anak at saka siyempre dahil ito naman ang panahong sinasabi ngang napakatamis ng pagsasama nila ni Katrina, kaya natural lang naman sa kanya na maging ma-saya nang isilang ang kanilang bunga.

* * *

MAY isang male TV host, na nag-aartista rin, ang sinasa-bing maraming ba-ding na kilalang-ki-lala siya.

May mga panahon daw kasi noon na istambay ito kung gabi sa may Greenbelt.

Ibig sabihin naging call- boy in the past ang TV host na ito.

Hindi naman yata itinatago ng TV host ang nakaraan niya.

Kasi, may panahon naman talagang napariwara ang buhay ng batang ito. Nadawit pa nga siya sa masamang bisyo noon. At siguro, para magkapera nga at matustusan ang kanyang bisyo kaya niya nagawang mag-call-boy noon..

Eh, ngayon, nagpapa-kabuti na naman yata siya kaya let's give him a chance.

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com