ALAGA palang sa nga-yon ay dinidibdib na ni Ara Mina ang kanyang singing career. Hindi naman daw dahil sa kinakalimutan na niya ang acting, pero ang sabi nga sa amin ni Ara na matagal din naming nakausap, gusto niyang samantalahin ang pagkaka-taon na maraming kumukuha sa kanya kahit na sa mga shows sa abroad.

Isipin mo nga naman, mas malaki ang kinikita niya sa pagkanta, dolyar pa. Pero hindi lang iyon ang mahalaga para kay Ara kundi ang makukuha niyang exposure sa international audience.

Sa paglabas niya sa mga show sa abroad ay naroroon ang posibilidad na may magka-interest pa sa kanyang pagkanta. Naroroon din ang possibility na may mag-alok sa kanyang gumawa ng pelikula dahil tiyak namang malalaman na artista rin siya dito sa atin.

Sinasabi nga nila, ang tipong iyan ni Ara ang maaaring magklik kahit na sa abroad.

Kuntento rin naman siya sa itinatakbo ng kanyang singing career. Kahit na nga sinasabi niyang hindi pa umaabot sa gold ang kanyang album, dahil hindi naman niya naitutuluy-tuloy ang promo nito, may natatanggap na raw siyang royalty at saka dahil doon ay nakukuha na nga siya sa mga show kahit na sa abroad.

Nagbabalak nga raw siya na sa 15 years niya sa showbusiness sa isang taon, magkaroon naman siya ng isang major concert, siguro sa Araneta Coliseum, para naman masubukan lalo ang kanyang lakas as a singer.

Hindi si Ara ang tipong singer na talagang panlaban ang boses pero kung pop songs lang naman ang kakantahin niya, mas mahusay siyang ‘di hamak sa ibang singers diyan.

* * *

DALAWANG singers ang magkasabay naming nakausap sa loob lamang ng isang araw. Ang isa pa ay ang bossa nova diva ng Viva na si Raffi Quijano, at ang isa naman ay ang dating hip-hop hit maker na si Aryana, na ikinagulat nga namin na gumawa ngayon ng isang self titled album na puro ballad naman ang laman.

Magaling ang pagkakapili ng mga kanta na nakapaloob sa album ni Raffi Quijano at alam na alam naming mahal ang pagkaka-produce sa album na iyon, pero mukhang may kaba pa siya nang mag-perform sa Eastwood.

On the other hand, na-kita namin ang mga videos na ginawa ni Aryana na masasabi mo namang pang-international standards talaga, at kinukuha na pala siya para mag-recording na rin sa abroad, pero depende siyempre iyan kung papayagan siya ng Universal Records.

Magaling kumanta si Aryana. Talagang panlaban siya.

* * *

PINAG-USAPAN nila ang kabaklaan ng isang young male TV host, na sa palagay naman namin ay hindi na dapat pang pagtsismisan dahil kung concerned ang kanyang pamilya sa tsismis na iyon, mukhang siya naman ay hindi.

Kahit na sa mga public places, basta wala lang camera, kilos bakla naman siyang talaga at inaamin niya ang katotohanan na bakla siya. Nagiging lalaki lang siya kung nasa harap na siya ng camera. Eh, ano ba kung gusto ni-yang magpaka-bakla talaga?

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com