TINANGGI ni Mark Herras na nag-dinner sila ng utol ni Rhian Ramos na si Nadine.

Ang reaction niya sa kumalat na e-mail tungkol dito'y, “Hindi ko pa na-meet si Nadine. Sabi nila sa Parañaque raw kami nag-date. Totoong lumabas kami ni Rhian minsan, pero grupo kami dahil magkasama kami sa My Only Love at nagkayayaang kumain sa labas.”

Hindi naman itinanggi ni Mark na may pagkukulang din siya kaya sila nag-break ni EB Babe Lian Paz.

Nakiusap nga lang ang young actor na kung maaari'y sila na lang ni Lian ang mag-uusap tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Sumang-ayon naman si Lian sa hiling ni Mark, kaya baka malabo nang malaman ng publiko ang totoong rason ng nasabing paghihiwalay.

Samantala, muli kaming nakatanggap ng e-mail na nagsasabing totally kasinungalingan ang diumano'y pagkikita nina Mark at Nadine.

Obvious daw na gusto lang siraan si Rhian ng nag-e-mail ng Mark-Nadine date.

Hindi na raw kasi pinapatulan ng mga reporter ang paninira kay Rhian, kaya ang kapatid naman nito ang ginamit.

* * *

SA isyu naman ng demandahang Piolo Pascual at Sam Milby versus Manay Lolit Solis, bago nagpahayag ang huli ng saloobin sa Startalk nu'ng Sabado'y nakausap muna siya ng ilang press people.

Gaya ng sinabi sa TV, susundin daw ni Manay Lolit ang gustong mangyari nina Piolo at Sam basta't in black and white lahat.

“Kailangang gumawa muna sila ng kasulatan na iuurong nila ang kaso against me kapag pinasinungalingan ko 'yung nasulat ko. Huwag na tayong maglokohan,” sey pa ni Manay Lolit.

Tungkol naman sa Mark-Lian breakup, naawa pala si Manay Lolit sa EB Babe at nanghinayang pa kung bakit ito hiniwalayan ng alaga.

Gandang-ganda si Manay Lolit sa legs ni Lian, na super puti at flawless.

MAY return engagement si Nadine Samonte today sa GMA Drama Rama Sa Ha-pon.

Tagged as the other princess of afternoon soap, Nadine's gain is the one Jennylyn Mercado have lost, ang Maging Akin Ka Lamang. Magpa-pilot ito today before My Only Love.

This is Nadine's se-cond Sine Novela after Kung Mahawi Man Ang Ulap na record breaking noon. Kung si Dennis Trillo ang partner niya the first time, dito naman, it's Polo Ravales.

Maganda ang naging idea ng GMA-7 na ipares-pares si Nadine sa iba't ibang leading men to see kung sino ang pinaka- match sa kanya when the time comes she is to be launched.

Siya lang yata ang StarStruck na never nag-karo-on ng regular love team since they started. Kung magiging hit ang tambalan nila ni Polo Ravales, aba, ready na for solo primetime si Nadine after this, ‘no?

* * *

MAY soft spot pala sa ba-ta si Marian Rivera.

May isang fan ng Ma-rimar ni Marian sa Telebabad ng GMA after Kamandag ang dinala sa set last week courtesy of another GMA-7 show, Kapuso Mo Jessica Soho.

Umiyak agad si Ma-rian pagkakita sa bata ka-si may sakit ito. Agos ang luha ni Marian at niyakap agad ang young fan niya. Nag-promise siya na ipagagamot niya ito personally.

It's those who help who are blessed kaya kita niyo naman kung gaano ka- successful ngayon ang alaga ni Popoy Caritativo.

Bukod sa number one ang first solo primetime soap niya, may first Valentine movie na rin ang aktres from GMA Films and Regal Films na My Bestfriend's Girlfriend opposite Kapuso station's number one male lead Richard Gutierrez.

Feb. 13 ang showing ni-to.

* * *

BAGO ang BFGF though, may pre-Valentine movie na P.S. I Love You.

Natuwa kami nang ma-laman naming some people are really serious in thinking that the Warner Bros. mo-vies released locally by Pioneer Films is a remake of the Sharon Cuneta and Gabby Concepcion Viva Films more than twenty years ago. Some are thinking naman na horror movie ito ka-si nga the song P.S. I Love You was the theme song of the horror soap of GMA-7 na La Vendetta.

P.S. I Love You is a beautiful movie starring two-time Academy winner Hilary Swank and 300 star Gerard Butler.

Romantic comedy ito but with a twist kasi patay na si Gerard sa umpisa pa lang ng pelikula. But, this is not something like the Demi Moore-Patrick Swayze Ghost, ha.

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com