| 
AKALOLOKA talaga ang showbiz. 
Break na pala sina KC Concepcion at Direk Lino Cayetano, pero hindi naman sila umamin na na-ging mag-on. Puro tsismis lang yung naglalabasan sa kanilang dalawa noon at panay lang ang deny nila, pero ngayon, sa pinakahu-ling paha-yag ni KC, she's very happy being single.
Ang isa pang nakaka-shock, si Bianca Gonzales daw ang dahilan ng break-up. Diumano'y na-realize ni Direk Lino na mas bagay daw sa kanya si Bianca ke-sa kay KC kaya binalikan niya ang ex-girlfriend.
True kaya ito?
Now that KC and Direk Lino are no longer lovers, tiyak na mas lalong wala silang aaminin about the cause of their break-up. Huwag na tayong uma-sa, ‘no?
* * *
HINDI naman pala totally bad ang character na gina-gampanan ni Angelica Pa-nganiban bilang Lena sa Maging Sino Ka Man ng ABS-CBN.
Sa huling napanood namin, humingi na siya ng tawad sa ilang mga taong nasaktan niya noong time na maldita pa siya tulad nina Anne Curtis at Bea Alonzo.
Ang buong akala kasi namin, all troughout the story ay magiging bad girl si Angelica. Hindi naman pa-la. And guess what, sila nga-yon ng nanay niyang si Rosanna Roces sa MSKM book 2 ang magkalaban, huh!
In fairness, magaling si Angelica sa soap. Hindi si-ya nagpapatalbog sa iba pang stars nito like John Lloyd Cruz, Sam Milby, Christopher de Leon and many others.
* * *
KAHIT may anak na si Martin Nievera kay Katrina Ojeda, wala palang balak ang concert king na pakasalan ito. Ano ‘yon, magsasama na lang sila nang hindi kasal?
Parang napaka-unfair naman ‘ata no'n kay Katrina, ‘di ba?
“Marrying again? I don't see it with Katrina or with any body. Okey na sa akin ‘yung ganito,” pagdidiin pa ni Martin.
On Feb. 1, may concert si Martin sa Ara-neta Coliseum titled Martin Nievera XXV at hindi rin daw manonood dito si Katrina.
“She's in the U.S. I don't think she can make it to my concert,” wika pa niya.
Eh, how about Pops na ayon sa kanya ay textmate na niya pagkatapos nilang mag-away?
“I don't know. Basta kung sino ‘yung gustong manood sa akin, welcome sila,” diretso niyang tugon.
Umiiwas si Martin na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Pops kahit okey na sila. Ayaw daw niya kasing maakusahan na nangga-gamit porke malapit na ang concert niya.
Samantala, aminado si Martin na para siyang nagsisimula sa wala. Hindi rin siya sigurado kung mapupuno ulit niya ang Araneta Coliseum sa Feb. 1.
“I'm testing the water now. I'm starting all over again. Kumbaga, back to basic kaya hindi ako nagi-expect para hindi rin ako masyadong ma-hurt. Well, sana mapuno ko ulit ang Araneta. Pero, if it's half-full, okey lang, magandang show pa rin ang mapapanood nila,” aniya.
Oh, well, we always love watching Martin's concert at alam naming mara-mi pa rin siyang fans na na-nanabik makita siya sa isang big concert. I'm sure, gusto ulit nilang maging part ng isang very memorable concert ni Martin kaya susugod sila sa Araneta.
- -
|