apagtripan ng mga bading ang ‘bukol' ni Dino Imperial, na gumaganap na anak ni Ai Ai delas Alas sa Volta na magpi-premiere sa ABS-CBN on Jan. 26.

Sa photo pa lang ni Di-no na naka-print sa notebook ng Volta ay marami na agad ang nakapansin sa bulging crotch ng bagets.

Lalong naloka ang mga bading dahil suot ni Dino ang kanyang costume bilang superherong anak ni Ai Ai kaya kitang kita ang ebidensiya sa kanyang nagmumurang harapan.

Pero, game din namang sumagot sa mga tanong itong si Dino. Nang tanu-ngin kung totoo ba ang kanyang ‘bukol', sinabi nitong “oo” at proud daw siya ri-to.

Sabi naman ni Direk Wenn Deramas, hindi raw ang ‘bukol' ni Dino ang dahilan kung bakit nakapasa sa audition ang bagets, among all the cast of Abt Ur Luv na nag-audition for the role.

Nakatrabaho na kasi ni Direk Wenn si Dino sa isang TV show at napuna nito na mahusay si Dino sa comedy. Kaya swak na swak ito sa role ni Salty, ang anak ni Ai Ai as Volta sa bagong serye ng ABS-CBN.

* * *

Ipapalabas muli sa Indiesine sa Robinson's Galleria on Jan. 30 ang award-winning film na Endo na pinagbidahan nina Jason Abalos at Ina Feleo. Mula sa direksyon ni Jade Castro, ang Endo ang isa sa pinakamagagandang indie films na ipina-labas sa Cinemalaya Independent Film Festival last year.

Dito sa Endo, nanalo ng best actress award si Ina, beating Glaiza de Castro, na paborito rin ng marami dahil sa performance niya sa Still Life. Hindi man nanalo ng best actor trophy si Jason sa Endo, pi-nuri naman siya ng mga kritiko sa pagganap niya rito.

Last December ay nagpunta sa Nantes International Film Festival sina Jason, Ina at ang kanilang di-rektor na si Jade kung saan ipinalabas ang Endo. Magaganda ang reviews na natanggap ng pelikula. In fact, binansagan pa ng Leonardo di Caprio at Kate Winslet ng Pilipinas sina Jason at Ina dahil sa kakaibang love story nila sa Endo.

After ng showing Endo on Jan. 30 ay muling aalis sina Jason, Ina at Direk Jade para tumungo sa iba pang international film festivals kung saan imbitado ang pelikula.

This early, we dare say na malakas ang magiging laban nina Jason at Ina sa darating na awards season para sa kanilang work sa Endo.

* * *

Malaking challenge para kay Isabel Oli ang ibinigay sa kanyang role sa Sine Novela presents Maging Akin Ka Lamang kung saan ginagampanan niya ang role na unang tinampukan ni Lorna Tolentino at nagpanalo sa kanya ng best actress awards.

Sabi nga ni Isabel, lalo raw siyang ninerbyos dahil medyo mature na ang role na kanyang ginagampa-nan. Dahil obsessed siya kay Polo Ra-vales, kulang na lang daw ay reypin niya ang sexy actor. Siya ka-si ang agre-sibo sa kanilang love scene.

Mabuti na lang daw, puwedeng dayain nang konti ang eksena kaya naman medyo nakahinga nang malu-wag si Isabel.

Pero, just the same, nakakapanibago pa rin daw ang role na kanyang ginagampanan sa serye.

Dahil kailangan gla-morosa siya at maganda sa kanyang role, nag-hire si Isabel ng sarili niyang make-up artist at stylist para alagaan ang kanyang itsura sa series.

At her own expense ito, huh, kaya duda namin baka walang masyadong matirang talent fee sa kanya after ng Maging Akin Ka Lamang.

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com