| AHAHARAP sa kasong estafa ang sexy actress na si Francine Prieto at ina nito dahil sa umano'y pagbabalewalang bayaran ang tinatayang P150,000 halaga ng alahas na kanilang kinuha sa isang negosyante.
Kinilala ni HA Arnel Dalumpines, hepe ng Special Task Force (STF) ng NBI ang kinasuhan na sina Ana Marie Falcon, kilala sa screen name na Francine Prieto at ina nitong si Amelia Falcon.
Ang pagsasampa ng kaso laban sa mag-ina ay bunsod sa reklamo ni Barbara Tolentino, 31, may-ari ng BIC Fine Jewelry ng 116 Doctor Alejo St., Sta Ana, Manila
Ayon sa reklamo ni Tolentino kay Dalumpines, kumuha ng isang set ng jewelry si Amelia sa kanya na umabot sa halagang P150,000 noong pang Mayo 2007. Si Francice din umano ang namili ng mga alahas na kinabibilangan ng hikaw, singsing at mga bracelet at siya rin umano ang gumagamit.
Nang singilin umano ni Tolentino ang mag-ina, nag-isyu umano sila ng 14 piraso na post dated check gayunman tumalbog lahat dahil close account na umano ito.
Pinadalhan ng subpoena ang mag-ina subalit kahapon, tanging si Atty. Rommel Oliva, abugado ng mag-ina ang nagtungo sa tanggan ni Dalumpines at nangakong babayaran nila ito sa loob ng isang linggo.
* * *
BIDANG-BIDA si Ai-Ai de las Alas the other day sa presscon for her new teleserye, Volta , 'di lang dahil siya ang pinakabida rito, kundi sa kanyang pagiging natatanging ina sa tunay na buhay.
It's common knowledge that Ai-Ai didn't take sitting down 'yung nangyaring insidente sa kanyang anak na si Sancho, na napagkamalang nagnakaw ng dalawang pakete ng candy sa isang mini-store sa Dapitan St .
She didn't just go to town, wika nga, talking about the incident on radio, tv and print.
She also filed legal charges against the owners of the store, especially 'yung cashier na diumano'y “nagbintang” at humuli sa bata.
Bale raw ba, sinaktan pa ito.
“When it comes to my children,” ani Ai-Ai, “I'm not going to take things sitting down. “Ipagtatanggol ko sila hanggang sa huling patak ng aking dugo. Call it OA.
“Sila ang buhay ko,” susog pa ni Ai-Ai. “Sila ang dahilan kung bakit nagpapakahirap ako sa paghahanap-buhay. “Pangarap ko ang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Ang mapagtapos sila ng pag-aaral.
“Pinalaki ko silang matitinong bata. Kaya, 'di ko hahayaang maski na lang sino'y saktan ang damdamin nila, lalo na physically.
“Besides, menor de edad pa ang anak ko. They could have called me. Ako ang papataw ng parusa sa kanya kung nagkasala man siya.”
Bale tatlo ang anak ni Ai-Ai. Si Sancho, ang panganay, ay 16 years old.
Graduate ito ng De La Salle University at first year college sa UST.
* * *
SA Volta the series (ginawa rin itong movie ni Ai- Ai four years ago), the comedienne plays a mom to two children na parehong equipped with super powers.
Two promising young talents, Dino Imperial, and Mariel Pamintuan, play her kids.
The two had to undergo audition bago sila napili sa kani-kanilang role.
“Actually,” ani Direk Wenn Deramas, who also directed Volta, the movie, “lahat ng mga baguhang kabataang artista sa series ay nag-audition for their roles.
“Kasama na riyan sina Jessy Mendiola at Quintin Alianza. All four stood out sa mga kabataang auditionee.
“Watch for them emerge as bigger stars once naipalabas na itong Volta,” susog pa ni Direk Wenn.
Nakatakdang i-air ang bagong series sa ABS- CBN on January 26.
* * *
Ayon kay Jackielou Blanco, who is playing a kontrabida in Volta, siguro ang dahilan why hindi sila natuloy na maghiwalay ng asawang si Ricky Davao nang magkaproblema sila sa marriage six years ago ay pareho silang hindi umalis ng kanilang bahay.
“It was my mom (Pilita Corrales) who advised me to stay put. Obviously, ganito rin ang naging payo ng mommy ko kay Ricky.
“Of course, there was kakaibang tension to the point that one of our elder kids suggested na maghiwalay na lang kami.
“They also felt ang damdaming nararamdaman namin sa isa't isa.
“Pero siguro, dahil nga sa iisang bahay lang kami nakatira, before we knew it, nag-uusap na kami.
“Until finally, we decided to resolve the issue na naging cause ng aming 'di pagkakaunawaan,” tukoy pa ni Jackielou.
Would she advise Sunshine Cruz to go back to their house (kung totoong umalis nga ito ng bahay), para hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Cesar Montano?
“Nasa kanila 'yan,” sagot ni Jackielou. “Kung gusto nilang gayahin ang nangyari sa amin ni Ricky.”
- -
|