| 
atawa si Yasmien Kurdi sa isyung lasing at nagwala siya sa isang bar sa may Timog, Quezon City . Na-misunderstood lang daw ng mga nakakita ang pag-iingay at pagtalun-talon niya dahil excited siya't kasama that time ang childhood friends noong nasa Kuwait pa siya.
Kaya rin siya sigaw nang sigaw ay dahil rock songs ang pinakakanta sa kanya.
Sabi pa ni Yasmien, hindi lang siya kilala ng source ng balita't maingay at magulo talaga siya 'pag mga kaibigan ang kasama, pero 'di raw siya lasing.
Umiinom ba siya?
“Grabe! Ang O.A. ng balita. Kung sinuman ang source n'yo, he or she can ask my friends kung lasing ako. Maingay lang talaga ako, pero 'di ako lasing,” tanggi nito.
Samantala, sa Bakekang, hindi na Charming, kundi Charisma, ang pangalan ni Yasmien at talent na siya ni Valeria (Sheryl Cruz). Tuluyan na nitong iniwan ang inang si Bakekang, na patuloy sa paghahanap sa kanila ni Kristal.
* * *
MISUNDERSTOOD ang pagsisigaw ni Yasmien Kurdi sa isang bar last week.
Naisulat na diumano, nagwala raw si Yasmien sa Jordan Grill two Saturdays ago. Balitang nakainom daw ang dalaga at sigaw nang sigaw ayon sa isang witness. We forwarded the news to Yasmien at react agad si Charming of Bakekang na na-misunderstood lang daw ang pagsigaw niya that time.
Sabi ni Yasmien, she was with her childhood friends from Kuwait that time kaya naging very excited siya.
Tapos, pinapakanta raw siya. So, dahil rock ang pinapakanta sa kanya, isinisigaw daw niya ang kanta with matching talon pa. Aminado si Yasmien na maingay talaga siya pero definitely hindi raw siya lasing.
Natawa na lang si Yasmien sa kuwento, hindi siya nagalit and in-explain niya lang ang situation. Isa pa, sa pagkaalaam namin, bawal uminom sa religion nila.
Si Charming pa ba ang maglalasing? Lukaret lang yan pero hindi lasengga.
* * *
PARA sa pamilya, Lipa Mayor Vilma Santos is giving way to her brother-in- law Vice Governor Ricky Recto.
Isang presscon ang ipapatawag ni Mayor Vi kapag naayos na ang lahat to explain why she is giving way to Vice Governor Ricky for the gubernatorial seat sa Batangas this coming election. Giving way, not backing out si Mayor Vi, dahil kung sa kaniya lang, she is willing to serve the pro- vince of Batangas and rea-dy siya to heed the call of the people.
Kaso nga, mas importante pa rin sa kanya ang pamilya. Hindi niya raw mapaglilingkuran ng tama ang probinsiya kung sa pamilya nila mismo hindi nila magawan ng solusyon. This will prove Mayor Vi's priority, mas mahalaga pa rin sa kanya ang pamilya niya although she would like to stress a fact, this is her own decision, hers alone.
May dalawa pang option si Mayor Vi, tumakbong Congressman or quit politics for the time being.
- -
|