akatanggap kami ng sulat mula kay Cedric Lee, ang boyfriend ni Vina Morales, na idinidepensa ang singer-actress sa mga maling akusasyon.

Nakasaad sa sulat na hindi ito homewrecker at never magiging “the other woman” o “kabit” gaya sa mga nasulat.

“God-fearing, God-loving person, a woman of substance, compassionate, intelligent, responsible daughter and sister, deeply spiritual and profound” ang description ni Mr. Lee sa GF na “my baby” kung tawagin.

Hindi rin daw papasok sa isang relasyon ang dalaga that would break up a family.

Pahayag pa ni Mr. Lee: “I've been separated for quite a while way before I met Vina. I've had two other previous relationships even before I met her.

“Obviously, when I met Vina, there was no marriage to break up, let alone a family to destroy or a home to wreck.

“When I met Vina, I was technically ‘single' and definitely available. All my pronouncements now on this matter as stated above should put all these rumors and innuendos to rest.

“I'm exhorting everbody involved to please just let these issues die a natural death. I'm in the process of simplifying my life and that means that the issue of annulment has been raised.

“However, I will not elaborate on this matter out of respect for the privacy of all parties involved, especially that of my kids.

“As I have said, this will be my final statement on this matter and this ought to set the record straight about Vina. This should also serve as the strongest testament attesting my love for Vina.”

* * *

Tumawag ang kaibigan namin sa Cebu para ibalitang darating doon ang cast and crew ng K-novelang Jumong na napapanood sa GMA-7.

Nangako ang friend naming gagawin ang lahat para makita nang personal sina Song Il Gook (Jumong), Han Hye Jin (So Seo-no), Kim Seung Soo (Dae So) at ang ibang cast members.

Kundi March 7, Mar. 8 at ang dating ng grupo na aabot sa 150 at mag-i-stay hanggang Mar. 11. Treat siguro ito sa kanila ng producer ng K-novela, na magtatapos ang airing sa Mar. 6.

Nabasa namin sa Tsinoy na sa Bali, Indonesia dapat pupunta ang cast and crew ng Jumong at mabuti't sa Cebu sila natuloy. Mas madaling pumunta ng Cebu kesa Indonesia , 'no!

Sana lang, alam ng Channel 7 na darating ang cast ng Jumong para naman ma-interview nila kahit ang main cast lang.

* * *

Nag-first TV appearance sa The Buzz last Sunday si Rain, ang Chihuahua na regalo ni Rayver Cruz kay Shaina Magdayao.

Galing sa pinagsamang pangalan ng mga bida ng Happy Hearts ang name ng dog, na minahal agad ng young actress at binitawan lang sa mall show nila sa SM Valenzuela.

Matagal nang gusto ni Shaina na mag-alaga ng aso at Teacup Yorkshire Terrier ang una nitong gusto. Mahirap lang hanapin ang breed nito at pati si Rayver 'di nagtagumpay, kaya nang may ilapit na Chihuahua ay kinuha na.

Suwerte ang young actor, dahil nang malamang ibibigay niya ang aso sa kapareha'y binigyan siya ng big discount.

Samantala, pelikula palang talaga nina Shaina at Rayver ang HH dahil sila ang may pinakamalaking litrato sa poster. Hindi naman siguro ma-i-insecure at 'di ito issue kina Jean Garcia, Wendell Ramos at lalo na kay Rustom Padilla.

Sa March 14 na ang showing ng pelikula sa direksyon ni Joel Lamangan.

* * *

Pumasok sa Danger 8 ng StarStruck 4 The Next Level sina Rich Asuncion at Mart Escudero at kasama na sila sa pagpipilian sa bubuo ng Final 6 sa March 11.

Kailangang triplehin nina Kris Bernal, Jewel Misch, Stef Prescott, Paulo Avelino, Prince Stefan at Aljur Abrenica ang kanilang effort na mapanatili sa contest dahil mabigat na kalaban ang dalawa.

Sa Mar. 25 na ang Final Judgment, na 'di pa sure kung sa Araneta Coliseum gagawin. Doon i-a-announce kung sino ang mapipiling Ultimate Sweetheart, Ultimate Hunk at Ultimate Love Team na pare-parehong mananalo ng P1 million cash at P2 million exclusive contract sa Siyete.

May naghihintay na ring show ang Final 4 titled, The Boys Next Door, kasama si Marky Cielo at SS4 Avengers.

Sa title pa lang, alam na kung sino ang mas bida sa show at bakit nga ba si Marky na naman? Sana isama rin sa show ang Avengers sa previous batches para may chance rin silang sumikat at magka-trabaho.

* * *

Alternative medicine ang topic sa Wednesday episode ng Moms na Let's Go Alternative.

Pag-uusapan ang pranic healing, accupuncture, polar medicine, naturopathy at iba pang paraan ng pagpapagaling sa mga sakit na 'di gumagaling sa conventional medicine.

Magsi-share ng experiences ang mga guest na sina Allan Paula at Dra. Arle Imperio, Dexter Doria at Beth Celis, Suzanne Jocson at Dr. Delia Patawaran.

Sa QTV 11 pa rin napapanood ang Moms, 5:30 p.m., Monday to Friday.

* * *

Sa Super Twins this Wednesday, makikita ni Drew (Camille Prats) ang satellite dish na gawa ni Eliazar at magtataka kung para saan 'yon. Sa tulong ni Billy (Patrick Garcia), gagawa sila ng hakbang para hanapin ang nawawalang mga bata.

Magtatagpo naman ang mga landas nina Besta (Tetchie Agbayani) at Sha-sha at si Candyman ay muling aatake at may mensahe sa super twins.

Ipararating ni Eliseo (Dennis Trillo) sa kambal ang mensahe nitong galing kay Eliazar.

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com